Pumapatak nanaman ang ulan.. at malamiggggg
Winter na.
First winter experience ko ito dito sa New Zealand. Although walang snow dito sa Auckland, malamig sya men. Gaano kalamig? Its malamig with a capital "G"(ang lamiGGGGGGGGGGGG!!)
Ang forecast kaninang umaga ay 5 degrees pinakamalamig, 15 degrees pinaka mainit.
Ang suot ko kanina papasok:
- Brief
- Thermal pants
- Thermal shirt na long sleeves
- pants na medyo makapal
- long sleeves
- wool sweater
- scarf
- gloves
- kung pwede ko lang lagyan din ng medyas tenga at ilong ko nilagyan ko na rin.
Problem lang eh ang mga medyas kong dala ay pang Pilipinas lang, so naninigas yung paa ko habang naglalakad along Domain papunta sa office ko sa Parnell. Pagdating sa opisina, at madalas ako ang unang dumadating, grabe para kang nasa freezer ng mga kinatay na baka. Ni hindi ko maramdaman ang keyboard at hindi maka-type ng maayos.

Pauwi naman, parang malalaglag na ang ilong mo sa lamig, lalo na kung salbong ang hangin. Kung hindi nga lang mabaho yung homeless person na natutulog sa bus stop, nikisiksik na rin ako sa mga cardboard nya.
Ngayong nasa bahay naman ako, suot ko naman yung bathrobe kong fleece na binili ko sa Warehouse for $30. Pero may problema pa rin kasi wala naman akong protection sa paa pa rin. Pag napapasaok nga ako sa banyo para akong sumasayaw ng tinikling kasi ang lamig ng tiles.
BRRRRRRRRR... miss ko na ang tropical weather satin.


0 Comments:
Post a Comment
Links to this post:
Create a Link
<< Home