Website Ribbon Tuny's Fishbowl: Sent!

Tuny's Fishbowl

My fishbowl's getting smaller! (ask me why! Yahu!)

Sunday, August 05, 2007

Sent!

Nung Friday sa opisina, nagpadala ako ng email sa client ko, para ipaalam sa kanya na naipadala ko na yung press release na ginawa ko para sa lodge nya:


Ewan ko ba, at biglang napako ang mata ko sa salitang Sent! Aba naman at ang nagregister sa utak ko eh, pag binaligtad mo ang exclamation point, it would read Senti.

Yes. Tinamaan ako bigla ng homesickness. Malamig kasi at naalala ko ang mga masasarap gawin pag malamig sa Pinas, like kumain ng goto pagkatapos ng simbang gabi, magkulong at magbasa ng songhits kasi umuulan at di makapag-basketball, o matulog ulit pagkatapos maligo kasi signal #3. Pati na rin ang walang ka-kwenta-kwentang pagsabit sa jeep ng madaling araw ay nalala ko, with the wind on your hair, at mapadaan sa mabahong creek sa Recto. Ah, ka-miss...

Na-miss ko rin ang mga iniwan ko sa Pinas, like mga magulang, kapatid, kamaganak, barakada, mga tropa sa bundok(ang sarap umakyat pag umuulan!), mga dating
opismaytes.

Pero ang hinahanap-hanap ko ngayong eh si kumander, ang twins, at si Julia. Naalala ko tuloy si
Dong, at hinanap ko agad ang lyrics nya:


Senti

Inaliw kita, tawa ka nga nang tawa eh
Sinabi mo, wag kitang iwan, ayaw mong mag-isa
O.K. lang sa akin, abutin man ng umaga
Lahat ay gagawin para ka lang mapasaya.
Ako, mahal kita
Mahal na mahal
Natatandaan mo, ang saya-saya natin ano

Sa zoo.


I can't wait for Christmas at makauwi. 137 days to go.








Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home