Website Ribbon Tuny's Fishbowl: Ah, sulit ang hirap..

Tuny's Fishbowl

My fishbowl's getting smaller! (ask me why! Yahu!)

Tuesday, August 07, 2007

Ah, sulit ang hirap..

As usual, pagdating sa office, bago ko pa harapin ang ga-bundok na trabaho na dapat tapusin, open muna ako ng Gmail. Regular routine ito, dahil pagdating ni amo, nakuuuu... Iba talaga ito sa iniwan kong trabaho sa Pinas. Kung doon nakakapetix pa ako, eh dito para akong naghahabol ng oras palagi para lang maisingit ang mga dapat tapusin.


Nagemail nga pala si kumander, with good news. Really good news.


Pre school ni Julia, at Chinese school. Yari tayo dyan, buti na lang at
Grand Lolo nya eh Fil-Chi din (Naku sana gumaling sya s Math, di tulad ni Mami & Dadi)

Hay, sarap. Pag ganitong ba namang mga balita ang matanggap mo, feeling mo kahit anong ibato nila, eh para akong pader na di matinag. Di lang sulit lahat ng pagod at sakripisyo, kundi lumalakas pa ang loob kasi napupunasan ng tuwa ang ang lungkot at homesickness na nararamdaman. Aba naman, 65K daw ang tuition sabi ni Kumander, at saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera sa Pinas!

Ika nga, pag may anak ka na, wala nang mas importante pa sa mundong ito kundi maibigay lang ang lahat na para sa kanila.

Dahil dyan, kelangan magcelebrate at makapag-prito na nga ng lumpia (and that's another story, abangan sa susunod, harhar).


Playing in my MP now:

So glad weve almost made it
So sad they had to fade it
Everybody wants to rule the world


Labels: , ,

2 Comments:

  • At 8:59 PM, Anonymous hardnut2crack said…

    Damn right brotha! If our parents gave us class A na mga bagay buong buhay natin. Tayo naman should give class AA para sa mga bulinggit natin.

    Kainis ka. Iniwan mo ako sa 'Pinas at hanggang ngayon tambak trabaho. Wala ka pa kasi kapalit kaya soloist drama ko. Tambak ang labada, brotha! Pero I'm so happy for you.

     
  • At 12:11 AM, Blogger Tuny said…

    @hardnut
    - Hay mismo. Kamiss na nga sila eh (look up). Aysus pati sa ofc me alagain ka rin pala. Isipin mo na lang at least ang mga kinakabwisitan mo sa ofc eh inde mo inuuwi :P

     

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home