Da-dumdumdumdumdum!
8Am ng umaga, kagigising lang at... Ano kaya gagawin ko today? Wala akong pasok sa Edge, at wala ring pera, which makes going out a bit complicated. Bawat galaw mo kasi dito eh piso ng piso. Piso pa naman dito katumbas ng P33 satin. Ayaw ko rin gaano magkikilos kasi masakit katawan kow.
Hmm...
Nyak! Anak ng! Ahahahahaaha! Anubatu!
Habang pinapanood, pinipigil ko tawa ko kasi tulog pa ang Kiwinoy Big Brother House (at me sakit si flatmate Gene, kawawa naman). Pero eto ako, parang gago na mangiyak-ngiyak sa kapipigil ng tawa, lumabas na tuloy sipon ko sa kakaipit.
At ang galing nila ha! Iba talaga ang Pinoy, we love performing and showing off. Kala mo macho, pino or mahiyain, pero pag pinasayaw or pinakanta mo, aba, pang awards night ang performance or nakapikit ang mata habang humuhuni. Sa party nga eh, sigaw ka lang ng "picture-picture-picture!!" Abah, eh eto na kaming mga macho, nagtatakbuhan at naka-pose na.
Hay, thank you po Cebu Provincial Dentention Center at Byron Garcia, at nabuo nyo ang araw ko. Bilib ako sa mga naiisip nyo para maibsan ang lungkot at problema ng mga kapatid natin dyan. Although me sayad(sino bang wala!), ano nga bang gagawin mo kung preso ka't naghihintay ng kalayaan, kundi aliwin ang sarili-- and in true Pinoy style-- ipagkalat sa buong mundo ang inyong kalokohan(case in point: Helloooo!!). Question: nagkaroon ba ng audition para makuha ang role as Michael Bayckson? Bat inde ako nakakuha ng call slip???
Weird as it may sound, it made a tender beat in my heart. Aside from knowing the dance moves (sinayaw ko po yan nung short pants pa ang suot ko sa school!), aren't we, immigrant fathers, whom have left families, friends and the cheap thrills of our beloved Philippines, like prisoners?
We're all toiling in purgatory with heaven within our sight. All we can do now is keep our sanity in check with simple things (like dancing, or this blog which nobody reads). Hopefully soon we'll get financial freedom and rejoin our families here in heaven.
Aba, bida sila sa BBC, at meron pang Black-Eyed Peas, Hagibis at Dayang-Dayang version. Magising nga ang tatlo. You never know, baka magkaroon din ng version entitled "Kiwinoy Big Brother Special: Thriller in Queen Street"
Ang ganda ng loka... Feeling girl!Da moves ni...
Michael Bayckson
Labels: As Seen on TV, Driving On the Left Side of the Road, Pinoy nga naman


4 Comments:
At 1:11 PM,
kiwipinay said…
neighbour!!!! wagi naman etong post mo! nakita ko na 'to ng pahapyaw lang sa tv news pero hindi ko talaga napanood. napalingon lang ako ng narinig kong binanggit ang philippines. tas parati ko syang nakikita sa mga blog pero di ko naman din pinapanood. at dito lang po sa tuny's fishbowl, aking pinagtyagaan na ma-download. mwehehehee... galeng nga ni tatang michael ha? pati si bakling, nasabunutan tuloy. mwehehehe... tenchu kapatid! pinasaya mo rin linggo ko. :D
At 1:52 PM,
Tuny said…
Oo nga, ngayon lang ako nakakita ng mga zombie na ang target ay sabunutan to death ang biktima, hahahha, only in our beloved Philippines(nako lang ha, mga ibang bansa dyan, mang-gagaya....)
At 1:37 AM,
...sommer... said…
...makikiraan lang po.;)...
...galing talaga ng pinoy!...
At 6:43 PM,
Tuny said…
@...sommer:
Oo nga, they make us OFW proud [tear]. Pinakita ko nga sa officemate ko, aba gusto magpunta sa Cebu.. Cebu Provincial Jail ha...
Post a Comment
Links to this post:
Create a Link
<< Home