Website Ribbon Tuny's Fishbowl: Halaga

Tuny's Fishbowl

My fishbowl's getting smaller! (ask me why! Yahu!)

Monday, August 27, 2007

Halaga

Ang isang bagay na patuloy kong ina-apreciate dito sa Middle Earth eh kung pano nila pahalagahan ang buhay.

Si Kate, officemate ko, kakabili lang ng pusa, at ang halaga ay isang makatindig-balahibong NZ$650(that's +P21K to you, Pedro). Turing nila kay Rex ay para nang sariling anak, na dinadala sa office pag matamlay upang mapatingin sa vet during lunch break, at binibilhan ng masustansyang cat food at inuuwian ng laruan sa gabi. Sa sobrang pagmamahal nga nila kay Rex eh binilihan pa nila ng kapatid, si Ruby. Pansin daw kasi nila eh nalulungkot si Rex pag naiiwan sa bahay magisa.

Si Karine naman (amo ko), daladala ang poodle na si Poppie araw-araw sa opisina. Matanda na si Poppie, at balita ko nga eh pinag-gastusan ng NZ$1,800 para lang moperahan ang kanyang tumatandang hip... Naku po, hip replacement para sa aso! Hindi unique ang eksenang ganito dito. Minsan nga may pulubi sa Queen St. na kahati sa nagiisa nyang hamburger eh ang kanyang maamong aso na mas malinis pa yata sa kanya.

Kung gayon na lang ang pagmamahal nila sa hayop, eh i-imagine nyo na lang kung pano pahalagaan dito ang mga bata. Libre ang edukasyon at panganganak, at subsidized pa ang daycare. Pati nga ang batas eh nasa panig ng bata. Naku, wag mong mapalo-palo at iwan ang Ineng at Tutoy dito magisa sa bahay, kundi malamig na rehas ang yakap-yakap mo sa gabi pag me nakita sayo at isumbong ka sa pulis.

Kaya nga hindi ko matanggap-tanggap na nangyayari sa atin ang mga bagay na katulad neto.

Lord, alagaan mo po ang mga chikiting ko at ilayo mo sa lahat ng kapahamakan, lalo na't nandito ako sa Middle Earth at sila'y nasa Motherland. Ms. Visa Officer, aprubahan mo na residency ko para next year eh madala ko na ang mga bata dito.








Labels: , ,

4 Comments:

  • At 12:09 AM, Blogger kiwipinay said…

    hahaha!!! ayus! feeling homesick ang mga lekat! aruuyyy!!!

    neighbour! chicken tocino? timpla ni brother Val? naks! ayus ah... paano ba gawin yan?

     
  • At 12:24 AM, Blogger Tuny said…

    @kiwipinay

    Nainggitttttt.... hahaha!

    Madali lang kafatid, kalimutan muna ang Countdown at dumalaw sa friendly-neighbourhood asian store(sa K-Road ako pumunta). Then pag butihin ang paghahanap ng mahiwagang supot na nakalagay eh "Mama Sita's Tocino Mix" ;)

     
  • At 5:56 PM, Blogger ...sommer... said…

    ...uuy, goodluck! sana maaprubahan na residency mo!!;)...
    ..magtatayo na nga ako ng H.A (homesickness anonymous!), sali ka?hehehe!...

     
  • At 11:21 PM, Blogger Tuny said…

    @...sommer...

    Uy, sali ako sa HA anonymous! Pano yan, blog na parang pwede pagtapunan ng pagkahomesick? Baka mapuno natin, hehehe.

     

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home