Website Ribbon Tuny's Fishbowl: Kiwinoy Big Brother: Genuine Pinoy Task (2)

Tuny's Fishbowl

My fishbowl's getting smaller! (ask me why! Yahu!)

Saturday, August 18, 2007

Kiwinoy Big Brother: Genuine Pinoy Task (2)

Episode 2
At eto na nga po at mukhang na challenge ang flatmates sa kanilang genuine pinoy task. Magwagi kaya ang mga mokong? Ang sumusunod ay mga eksena ng mga nakalipas na araw sa Kiwinoy Big Brother House.

Syempre po kelangan me sound track


Val & Karl, making balot the lumpia ...

... habang dini-dictate ni Gene ang susunod na steps (and at th same time, chatting
with his gurlz, sweet-azz...)

Pak-tay tayo dyan, kinamay na po! Mej maliliit yata ang nabili nilang lumpia wrapper, hmm...

Since dalawa lang ang kasya sa kitchen sa Kiwinoy Big Brother House,
lumabas muna ang dalawang para magpahangin... at nag-
pose(infront of the appartment,
Sky Tower on the background)...


... At nag pose pa. Aba at nakarating pa sa Motorway??? (St. Benedict's Church on the
background, where the flatmates go to mass).

Aba, mukha nagmumukhang lumpia, pero lasang lumpia din kaya?


What the.. me pancit canton pa (out of nowhere!!)




At habang kumakain ang flatmates ng kanilang first ever home made lumpia (Karl: Whooww, sarap! Who needs women! Men rule!Uh-uh-uh-uh!!!)...


Big Brother: Flatmates, announcement...
Tuny: What the fu&%?? Tang-nang bahay na to, bigla-bigla na lang nagsasalita...
Big Brother: Ikinalulungkot ko, you guys failed in your task, I'm sorry...
Gene: Huh? But Big Brother, that's unfair!
Karl: Woahhhh, that's not cool.. (mannerism po nya yan, 8X na nya sinabi today, which is cool, hehehe)
Val: Snorkk... (tulog, kasi puyat na, napagod pa sa kababalot ng lumpia)


Big Brother: Totoo, masarap ang niluto nyo, at nagtulungan kayo, which is important kasi sino pa bang aasahan nyo dito sa Middle Earth?
Imagine, hindi kayo magkakakilala 7 months ago, pero here you are, forced to bond by need, yet I feel friendship growing... Uyyy, mga bakla! (Hanep din 'tong Big Brother na 'to ah..ed.)...

Ngunit, subalit, datapwat, bagamat, there's one problem. Ang task nyo kasi ay magluto ng Lumpiang Shanghai at hindi...



... Tempura.


Nyek, kasi naman, sino ba kasi nagsabing wanton wrapper ang gamitin nyo??



Bayan Ni Juan/Mike Hanopol

Bayanihan dito sa bayan ni Juan
Isang daing mo lamang, ikaw ay tutulungan
Bayan ni Juan, uso ang bayanihan
Lahat sila'y kasali
Dyan mo mapupuri


Labels: , ,

3 Comments:

  • At 12:13 AM, Blogger kiwipinay said…

    ayus! parang may bertdey! may pacanton pa! mukhang masarap yung canton. pero tama si big brother... bakit parang tostadong lumpiang shanghai? mwehehehehe.... pero ano lasa? hayaan nyo.... minsan, imbitahin ko kayo dito sa flat ko. dito kayo magluto ng lumpia ha? :D

     
  • At 2:13 AM, Blogger Tuny said…

    Actually advance bday party para sayu yun (HBD!Woohooo).

    Oy lasang lumpia naman, and extra proud kami sa canton ha, vegetarian na, parang galing malabon pa!

     
  • At 9:17 PM, Blogger bEnMChAn said…

    makikisilip narin. AStig yung bansot na lumpia! hehehehe buti nakakuha kayo ng mga recado.

     

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home