Website Ribbon Tuny's Fishbowl: The Seagull

Tuny's Fishbowl

My fishbowl's getting smaller! (ask me why! Yahu!)

Sunday, August 19, 2007

The Seagull

Nagusher ako kanina sa production ng Royal Shakespear Company, The Seagull by Anton Chekhov. Grabe, nakakalungkot sobra, napa look-up nanaman ako.

It's about Nina, na nagmahal kay Trigorin, pero ginamit at binasura ang puso nya. It's also about Konstantin, kababata ni Nina at nagmahal sa kanya ng lubusan. Hindi tinanggap ni Nina ang pagibig nya kasi mahal na mahal pa rin nya si Trigorin.

Umalis at pumunta sa malayo si Nina para makalimutan si Trigorin. At sa huli, nagpakamatay si Konstantin, kasi hindi nya natanggap na di para sa kanya si Nina.

Click here to read a summary of the story.

Universal talaga ang mga tema ng puso, kahit anong lahi, edad or kasarian ka. Ilan na ba sa atin ang umibig sa isang taong may minamahal na iba? At ilang kanta na ba ang natinta na ganyan ang tema?

Naalala ko tuloy itong kanta ni Edgar:



Halaga

Ang dami-dami naman diyang iba
Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang makita
Na lalake na magmahal sayo
At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo

Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo Malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siya’y pinapangarap ko



Bida din po si Ian McKellan (Si Gandalf po!)

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home