Website Ribbon Tuny's Fishbowl: Manson & Bernstein

Tuny's Fishbowl

My fishbowl's getting smaller! (ask me why! Yahu!)

Thursday, October 04, 2007

Manson & Bernstein

What do Marilyn Manson & Leonard Bernstein have in common?

Absolutely nothing :)

Trinabaho ko last night ang concert ni Marilyn Manson at the Town Hall. Yes, ang bahay ng Auckland Philharmonia Orchestra at ng Opera ay sinugod ng mga punk, bogans, head-bangers at kung ano-ano pang mga strange creatures na naglabasan sa kanilang mga butas. Ika nga ng mga Kiwi, they came out of the woodwork!

Nagkakandarapa nga ang mga gunggong sa harap ng pinto ko, nagmamaka-awang makapasok para makapwesto sa harap. Akala naman nila matatakot nila ako sa mga mowhawk, eyeliner, facial piercings at mga tatoo nila (Ang lalaki kaya ng mga Maori security sa tabi ko, hehe).

Well hindi ko sila masisisi. Andyan kasi ang panginoon nila eh.




Images from Stuff.co.nz

Naku po! Pak-syet! Yeahhhh! Um! Um! Um! Naalala ko tuloy yung NU107 days ko. Pero in fairness, mababait sila at masunurin ha, maski kalahati sa kanila sabog at lasing. Kapagod nga lang at twice nagka-evacuation kasi tumunog ang fire alarm.

Today naman I just came from the Aotea Center and worked the Auckland Philharmonia's Vero Series, one of their lighter shows, featuring popular works like Webber and and Bernstein. No Beethoven and Vivaldi tonight. Kung mukhang mga demonio ang nanood kahapon, ngayon naman eh mga mukhang zombie.

Ket? Kasi po mukhang ang pinakabatang nanood eh 134 years old.






Inantok ako sa 1st half, pero after the interval they played Bernstein's West Side Story and Khachaturian's Sabre dance. Exciting (A-choo! Totoo po, hehehe). I'm sure ma-re-recognize nyo yung last. Palagi kasi itong nalalagay sa soundtrack (Yung tipong pag nagkakagulo na ang mga bida sa pelikula).

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home