Website Ribbon Tuny's Fishbowl: July 2007

Tuny's Fishbowl

My fishbowl's getting smaller! (ask me why! Yahu!)

Monday, July 30, 2007

He's Backkkk...

Dinner time! Val cooked spaghetti (Yey!). For the first time magdinner kami ng inde kanin. At bumili pa ng Coke si Karl (Aba parang b-day!). Sayang wala kaming makitang mala-Purefoods hotdog sa Foodtown kahapon.
Syempre since wala kaming mesa sa kuwarto, asa sofa kami lahat at harap ng TV (ganun kaliit flat namin). Pagbukas namin ng telee, ang unang bumungad samin ay si...

Read more


Nay ko po.....
He's ba-aaaaack... [Pasok Knight Rider Sound Track]

And my half digested dinner is on the floor


It's Mich Buchannon, It's Michael Knight, it's David Hasselhoff! He's one of the judges (with Brandy and a Brit who wishes he's Simon Cowell) at Prime TV's America's Got Talent. It Premiered here in NZ today.



It's a show which features America at its most stupid, yet utterly entertaining(ganun ako kababawa, nyahahahaha). Pero wag ka dyan, me sariling action figure yan...

OK lang yung armalite, pero sumbrero ba yun?

At me album...


Oh-ah, Greatest Hits pa yan. Balita ko patok sa Germany ito eh.

Kung hindi pa kayo natatakot, eto pa..





Uhhhh.. [Shivers] . Bat ko ba pinag aaksayahan ito, makapag plantsa na nga...

Labels:

Friday, July 27, 2007

Kiwinoy Big Brother: Goodbye Edmund

Tatlo lang ang rules namin dito sa flat:

#1 Makisama

#2 Wag makulit

#3 Wag ipasok ang sapatos sa sala




Mahirap ba sundin ito? Well apparently sa ibang tao, Oo. That's why we had to say goodbye to one of our flatmates last week, si Edmund. Ika nga sa PBB, evicted sya ni kuya for too many violations. Malungkot, pero ano magagawa namin? Mahirap na nga mabuhay sa dayuhang bansa, eh nahihirapan pa namin sya makasundo.

So kung nakikinig ka ngayon, nothing personal, bro, gusto ka namin matulungan, but it wasn't working out. Sana maging masaya ka sa bago mong bahay, at sana makasundo mo ang mga bago mong housemates na balita mo sa amin ay mga Chinese (Buti na lang at inde Hapon, kundi baka na-samurai ka sa kapapasok ng sapatos mo sa sala nila, hehe).


In the meantime, nakahanap naman kami ng bagong housemate.


Si Karl.


Eto pala ang iba pang cast ng Kiwinoy Big Brother.


Si Gene





Si Val


Pasensya na ha, tabingi kasi TV namin sa flat kaya tabingi din mga leeg nila. We're also known as Da' Gwapings in cyberspace... Look at our network, hehehehe.





X marks the spot. Ang appartment namin.

Labels: ,

Sunday, July 22, 2007

Filipino English: The Toktok

Hindi mo talaga maiwasan, maski gaano ka man kagaling mag-english, misan talaga papalpak ka. Hindi kasi natin 1st language eh, at minsan sa sobra nila bilis magsalita, nakakataranta. At ang accent, syet, parang panggalatok na hinaluan ng bisaya kasi ang titigas ng dila(like ang E ginagawang I, so ang seven, sa kanila zi-ven).

Buti na lang kadalasan yung mga kausap namin dito inde naiintindihan mga English boo-boos natin. Case in point, meet Edmund, flatmate ko (dati).


Edmund: Yoshi, go here. When you get to the door, just.. You know... Tok-tok

Translation: Yoshi(his Japanese friend) punta ka naman dito. At pagdating mo sa pinto namin, kumatok ka na lang.


Nyahehehe.

More to come.


Kamukha ni Edmund(Joke, hehe)

What's playing on my Media Player now. Hay, umuulan nanaman, sarap matulog,
pero me pasok pa ako mamya sa
Edge.

Labels: , , ,

Monday, July 16, 2007

NZ Film Fest

Last weekend I ushered a number of shows at The Civic, all films featured at the New Zealand/Telecom Film Festival. It's the equivalent of the Manila Filmfest, except na international ang listing, walang awards night sa dulo , at walang parada sa Baywalk.


Click the title for the plot.

Conversations With My Gardner
- My favorite so far. Talky sya, medyo drama, medyo comedy. Its the type of movie you would want to invite your nililigawan(malaki ang chance na sagutin ka nya after), or your best buddies kung medyo nababading kayo sa isa't-isa (hehe). Kidding aside, it has the same effect as the coming of age movie Stand By Me, only you have two guys in their late 40s sharing and learning from life experiences.
Rating: Apat na palakpak (out of 5)

Death at a Funeral
- A typical Brit comedy, light, refreshing, totally amusing. Its the type of film na mapapatawa ka sumigaw ng "Ay ang gago, hehehehe!"... Buti na lang walang nakaintindi sa kin( Which reminds me, is there such a thing as Hehehehe sa mga puti? Hahaha lang ata, diba? Baka akala nila nabubulunan na ako). You should watch this with friends, para makatawa ka ng todo-bigay.
Rating: tatlot-kalahating palakpak(at isang mahabang piggy snort, snorkk...).

Manufactured Landscape
- Inde ko ito masyado napanood, kasi nilagay ako sa pinto (asar, um!). But from what I saw from the door(I left it ajar, enough to see half the screen), its a documentary about the industrial revolution in China. If you're a photographer, you'll love this because of the imagery. Medyo mahaba lang, about 2 hours, to prove his point (And he could have done this in about 45 mins). Then again I only saw "half" the film, so who am I to judge(aruy, sumakit ang ulo ko).
Rating: dalawang palakpak, at isang mahabang hikab.

Golden Door
- I was drawn to this film because of its plot, the fact that I'm an immigrant as well. The imagery reminds mo of the film Frida, with its surreal overtones(naks, maski ako inde ko naintindihan yun ah). OK lang, ika nga, so-so... Ika nga, pang DVD sya.
Rating: tatlong palakpak at kalahating pirated DVD

After the Wedding
- Walanghiya, hinid ko inexpect ito, pinagbabawal dapat ang mga pelikulang ganito kasi masyadong heavy drama. May mga part nga na para akong nakalulon ng bayabas.. nanikip ang dibdib ko at.. aaminin ko... napahikbi ako(aguy, napa-look up nga ako kasi tumutulo luha ko, nakakahiya sa mga guest). Pinagbre-break nga ako ng supervisor ko, kaso sabi ko "noo.. I want to know what happens to Jørgen..". Kung may kasalanan ka sa misis or GF, isama mo. Syento-por-syento, bati na kayo paglabas nyo(uyyy).
Rating: apat na palakpak at isang malakas na hikbi

Rescue Dawn
- Tangna (excuse my French), eto ang pinagbabawal talaga. Para syang B-movie na may konting budget(Na I suspect napunta lahat kay Christian Bale). Napanood nyo ba yung Megiddo: Omega Code 2? Medyo kalinya nya, medyo ka-atin-atin lang ng konti. Maski nga ayaw ko magbreak, napa-tea ako ng 30mins para mabawasan ang parusa. It's a case of bad amateur actors, a bad script, bad cinematography, led by a terrible lead star. Puro cliche'. Akala ko nga sa Pilipinas ginawa at hinihintay ko lumabas si Rez Cortez at si Bembol Rocco (as Henchman #1 and #2), at magkaroon bigla ng dance scene. Nalaman ko lang na hindi dahil, pag may tinatamaan ng granada, hindi sila napapata-tumbling. Bumilib lang ako kay Michale Bale kasi bawat eksena, papayat sya ng papayat!
Rating: Not even kalahating palakpak, at isang eye roll(sosyal).


Well, I worked for a total 12 hours yesterday, and totally knackered. I'm doing it again this weekend, and hope to see good ones like Eagle vs. Shark and I Served the King of England.

Hay, so many films, so little time. Sa next weekend uli!




Scene: After the Wedding


Scene: Death at a Funeral


Dapat iwasan: Rescue Dawn (Check out the bros,
mga Pilipino yan ehhh... aminin)

Labels: , ,

Saturday, July 14, 2007

Why is this a story?

Can you explain why this story by Marinel Cruz of the Inquirer, a story?

I know the subject was big then, when she cheated on her then boyfriend Something Cayetano on nationwide TV/Pinoy Big Brother.

But is she that big right now in the Philippines? How long have I been away????

Isip-isip....

Labels:

Friday, July 13, 2007

Speaking of cold...

... view nyo naman yung trip ko last summer dito sa Tongariro National Park, with my guide, photographer, and driver, the photo-master Jedi Bernard Billedo (Thanks talaga pare sa pag pasyal sakin ha, owe you one). Galing nyan, ang bigat na ng backpack, ang laki na ng camera, eh iniiwan pa rin ako sa trail!







Pag pasensyahan nyo na po yung photo set, actually extra lang yung National Park, ang focus talaga nyan eh ako, hehehehe.





That's frost on my pack cover. I was not prepared for the trip, most of my hiking gear are three-season gear, except for my boots that broke down as soon we got down (Pansin nyo, paulit ulit words ko, nauubos na kasi ingles ko dito sa New Zealand eh, hehehe)


Syempre, I had to make pasikat... paguwi ko may sipon na ako (singhot).

See more of Bernard's pics (of me!) from our 2-man Pilipinas Sierra Climb at Tongariro National Park here.

Labels:

Pumapatak nanaman ang ulan.. at malamiggggg

In my Windows Media Player playlist right now:



Winter na.

First winter experience ko ito dito sa New Zealand. Although walang snow dito sa Auckland, malamig sya men. Gaano kalamig? Its malamig with a capital "G"(ang lamiGGGGGGGGGGGG!!)

Ang forecast kaninang umaga ay 5 degrees pinakamalamig, 15 degrees pinaka mainit.

Ang suot ko kanina papasok:
- Brief
- Thermal pants
- Thermal shirt na long sleeves
- pants na medyo makapal
- long sleeves
- wool sweater
- scarf
- gloves
- kung pwede ko lang lagyan din ng medyas tenga at ilong ko nilagyan ko na rin.

Problem lang eh ang mga medyas kong dala ay pang Pilipinas lang, so naninigas yung paa ko habang naglalakad along Domain papunta sa office ko sa Parnell. Pagdating sa opisina, at madalas ako ang unang dumadating, grabe para kang nasa freezer ng mga kinatay na baka. Ni hindi ko maramdaman ang keyboard at hindi maka-type ng maayos.



Pauwi naman, parang malalaglag na ang ilong mo sa lamig, lalo na kung salbong ang hangin. Kung hindi nga lang mabaho yung homeless person na natutulog sa bus stop, nikisiksik na rin ako sa mga cardboard nya.

Ngayong nasa bahay naman ako, suot ko naman yung bathrobe kong fleece na binili ko sa Warehouse for $30. Pero may problema pa rin kasi wala naman akong protection sa paa pa rin. Pag napapasaok nga ako sa banyo para akong sumasayaw ng tinikling kasi ang lamig ng tiles.

BRRRRRRRRR... miss ko na ang tropical weather satin.



Labels:

Wala raw nangyayari sa New Zealand?

Wala raw nangyayari sa New Zealand?

Well, tignan natin...


Well.. Wala nga, pero minsan mas maganda pa wala pang nangyayari kesa kung ano-ano ang nangyayari.

Labels: