Website Ribbon Tuny's Fishbowl: August 2007

Tuny's Fishbowl

My fishbowl's getting smaller! (ask me why! Yahu!)

Tuesday, August 28, 2007

Once in a lifetime

What makes an experience once in a lifetime?

Seeing a full lunar eclipse today, 30 minutes ago. I honestly don't remember seeing one in my lifetime in the Philippines(could it be that the air is so much cleaner here?). It's gone all red.





Watching The Royal Shakespear Company and Ian Mckellen perform King Lear on stage last Saturday at the ASB Theatre. There were two thousand people watching, and with all honesty, you could hear a pin drop in the last 5 minutes. They were amazing. He was amazing.






And listening to Bob Dylan perform at The Civic last Sunday. What excited me more than listening to him was watching him. He is the Bob Dylan... (~Houwrrmanyrrrroadsmmmurstwalrrrr...~).

I honestly don't remember a word he sang, but nobody cared.

So cool.





Three once-in-a-lifetime experiences in one weekend.

These are the days when I feel so alive.

Labels: ,

Monday, August 27, 2007

Halaga

Ang isang bagay na patuloy kong ina-apreciate dito sa Middle Earth eh kung pano nila pahalagahan ang buhay.

Si Kate, officemate ko, kakabili lang ng pusa, at ang halaga ay isang makatindig-balahibong NZ$650(that's +P21K to you, Pedro). Turing nila kay Rex ay para nang sariling anak, na dinadala sa office pag matamlay upang mapatingin sa vet during lunch break, at binibilhan ng masustansyang cat food at inuuwian ng laruan sa gabi. Sa sobrang pagmamahal nga nila kay Rex eh binilihan pa nila ng kapatid, si Ruby. Pansin daw kasi nila eh nalulungkot si Rex pag naiiwan sa bahay magisa.

Si Karine naman (amo ko), daladala ang poodle na si Poppie araw-araw sa opisina. Matanda na si Poppie, at balita ko nga eh pinag-gastusan ng NZ$1,800 para lang moperahan ang kanyang tumatandang hip... Naku po, hip replacement para sa aso! Hindi unique ang eksenang ganito dito. Minsan nga may pulubi sa Queen St. na kahati sa nagiisa nyang hamburger eh ang kanyang maamong aso na mas malinis pa yata sa kanya.

Kung gayon na lang ang pagmamahal nila sa hayop, eh i-imagine nyo na lang kung pano pahalagaan dito ang mga bata. Libre ang edukasyon at panganganak, at subsidized pa ang daycare. Pati nga ang batas eh nasa panig ng bata. Naku, wag mong mapalo-palo at iwan ang Ineng at Tutoy dito magisa sa bahay, kundi malamig na rehas ang yakap-yakap mo sa gabi pag me nakita sayo at isumbong ka sa pulis.

Kaya nga hindi ko matanggap-tanggap na nangyayari sa atin ang mga bagay na katulad neto.

Lord, alagaan mo po ang mga chikiting ko at ilayo mo sa lahat ng kapahamakan, lalo na't nandito ako sa Middle Earth at sila'y nasa Motherland. Ms. Visa Officer, aprubahan mo na residency ko para next year eh madala ko na ang mga bata dito.








Labels: , ,

Monday, August 20, 2007

Style...

Although maganda ang The Seagull, its an incredibly long play. As in 1.5 hours ang first half, at 1.25 hours ang 2nd. Habang tumatakbo ang eksena, hindi ko maiwasan na antukin. Ang init pa naman sa pwesto ko, so halos mawalan na ko ng malay.

Isip ni Tuny: Ahhconcentratewagkamatulognakakahiya-
sakatabimoogisinggisinggggOOOORRRKKKK!!!

Katabi ni Tuny: ???? [Napatingin]
Tuny: [Naku poooo] Errr.. Ubo-ubo! Singhot!
Nangyari na ba sa inyo yung tipong nakaidlip ka, tapos nagising at nagulat ka sa sarili mong hilik? Kaasar, hehehehe.



Labels: , ,

Sunday, August 19, 2007

The Seagull

Nagusher ako kanina sa production ng Royal Shakespear Company, The Seagull by Anton Chekhov. Grabe, nakakalungkot sobra, napa look-up nanaman ako.

It's about Nina, na nagmahal kay Trigorin, pero ginamit at binasura ang puso nya. It's also about Konstantin, kababata ni Nina at nagmahal sa kanya ng lubusan. Hindi tinanggap ni Nina ang pagibig nya kasi mahal na mahal pa rin nya si Trigorin.

Umalis at pumunta sa malayo si Nina para makalimutan si Trigorin. At sa huli, nagpakamatay si Konstantin, kasi hindi nya natanggap na di para sa kanya si Nina.

Click here to read a summary of the story.

Universal talaga ang mga tema ng puso, kahit anong lahi, edad or kasarian ka. Ilan na ba sa atin ang umibig sa isang taong may minamahal na iba? At ilang kanta na ba ang natinta na ganyan ang tema?

Naalala ko tuloy itong kanta ni Edgar:



Halaga

Ang dami-dami naman diyang iba
Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang makita
Na lalake na magmahal sayo
At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo

Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo Malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siya’y pinapangarap ko



Bida din po si Ian McKellan (Si Gandalf po!)

Labels: ,

Saturday, August 18, 2007

Kiwinoy Big Brother: Genuine Pinoy Task (2)

Episode 2
At eto na nga po at mukhang na challenge ang flatmates sa kanilang genuine pinoy task. Magwagi kaya ang mga mokong? Ang sumusunod ay mga eksena ng mga nakalipas na araw sa Kiwinoy Big Brother House.

Syempre po kelangan me sound track


Val & Karl, making balot the lumpia ...

... habang dini-dictate ni Gene ang susunod na steps (and at th same time, chatting
with his gurlz, sweet-azz...)

Pak-tay tayo dyan, kinamay na po! Mej maliliit yata ang nabili nilang lumpia wrapper, hmm...

Since dalawa lang ang kasya sa kitchen sa Kiwinoy Big Brother House,
lumabas muna ang dalawang para magpahangin... at nag-
pose(infront of the appartment,
Sky Tower on the background)...


... At nag pose pa. Aba at nakarating pa sa Motorway??? (St. Benedict's Church on the
background, where the flatmates go to mass).

Aba, mukha nagmumukhang lumpia, pero lasang lumpia din kaya?


What the.. me pancit canton pa (out of nowhere!!)




At habang kumakain ang flatmates ng kanilang first ever home made lumpia (Karl: Whooww, sarap! Who needs women! Men rule!Uh-uh-uh-uh!!!)...


Big Brother: Flatmates, announcement...
Tuny: What the fu&%?? Tang-nang bahay na to, bigla-bigla na lang nagsasalita...
Big Brother: Ikinalulungkot ko, you guys failed in your task, I'm sorry...
Gene: Huh? But Big Brother, that's unfair!
Karl: Woahhhh, that's not cool.. (mannerism po nya yan, 8X na nya sinabi today, which is cool, hehehe)
Val: Snorkk... (tulog, kasi puyat na, napagod pa sa kababalot ng lumpia)


Big Brother: Totoo, masarap ang niluto nyo, at nagtulungan kayo, which is important kasi sino pa bang aasahan nyo dito sa Middle Earth?
Imagine, hindi kayo magkakakilala 7 months ago, pero here you are, forced to bond by need, yet I feel friendship growing... Uyyy, mga bakla! (Hanep din 'tong Big Brother na 'to ah..ed.)...

Ngunit, subalit, datapwat, bagamat, there's one problem. Ang task nyo kasi ay magluto ng Lumpiang Shanghai at hindi...



... Tempura.


Nyek, kasi naman, sino ba kasi nagsabing wanton wrapper ang gamitin nyo??



Bayan Ni Juan/Mike Hanopol

Bayanihan dito sa bayan ni Juan
Isang daing mo lamang, ikaw ay tutulungan
Bayan ni Juan, uso ang bayanihan
Lahat sila'y kasali
Dyan mo mapupuri


Labels: , ,

Sunday, August 12, 2007

Da-dumdumdumdumdum!

8Am ng umaga, kagigising lang at... Ano kaya gagawin ko today? Wala akong pasok sa Edge, at wala ring pera, which makes going out a bit complicated. Bawat galaw mo kasi dito eh piso ng piso. Piso pa naman dito katumbas ng P33 satin. Ayaw ko rin gaano magkikilos kasi masakit katawan kow.

Hmm...

Nyak! Anak ng! Ahahahahaaha! Anubatu!

Habang pinapanood, pinipigil ko tawa ko kasi tulog pa ang Kiwinoy Big Brother House (at me sakit si flatmate Gene, kawawa naman). Pero eto ako, parang gago na mangiyak-ngiyak sa kapipigil ng tawa, lumabas na tuloy sipon ko sa kakaipit.

At ang galing nila ha! Iba talaga ang Pinoy, we love performing and showing off. Kala mo macho, pino or mahiyain, pero pag pinasayaw or pinakanta mo, aba, pang awards night ang performance or nakapikit ang mata habang humuhuni. Sa party nga eh, sigaw ka lang ng "picture-picture-picture!!" Abah, eh eto na kaming mga macho, nagtatakbuhan at naka-pose na.

Hay, thank you po Cebu Provincial Dentention Center at Byron Garcia, at nabuo nyo ang araw ko. Bilib ako sa mga naiisip nyo para maibsan ang lungkot at problema ng mga kapatid natin dyan. Although me sayad(sino bang wala!), ano nga bang gagawin mo kung preso ka't naghihintay ng kalayaan, kundi aliwin ang sarili-- and in true Pinoy style-- ipagkalat sa buong mundo ang inyong kalokohan(case in point: Helloooo!!). Question: nagkaroon ba ng audition para makuha ang role as Michael Bayckson? Bat inde ako nakakuha ng call slip???

Weird as it may sound, it made a tender beat in my heart. Aside from knowing the dance moves (sinayaw ko po yan nung short pants pa ang suot ko sa school!), aren't we, immigrant fathers, whom have left families, friends and the cheap thrills of our beloved Philippines, like prisoners?

We're all toiling in purgatory with heaven within our sight. All we can do now is keep our sanity in check with simple things (like dancing, or this blog which nobody reads). Hopefully soon we'll get financial freedom and rejoin our families here in heaven.

Aba, bida sila sa BBC, at meron pang Black-Eyed Peas, Hagibis at Dayang-Dayang version. Magising nga ang tatlo. You never know, baka magkaroon din ng version entitled "Kiwinoy Big Brother Special: Thriller in Queen Street"

Perfect...


Ang ganda ng loka... Feeling girl!


Da moves ni...


Michael Bayckson

Labels: , ,

Saturday, August 11, 2007

Filipino English: The Sine

While having lunch with friends after a furious badminton game, discussion turned to the movie playing on the tele, Kung Fu Hustle. We had Leon, a Kiwi, with us, so we had to talk in English para hindi dyahe sa kanya:

Tess: Uy, hahahahaha! Nakakatawa! Ngayon ko lang napanood ito! Leon! Have you seen this?

Leon: Yeah, ain't it hilarious! Hahahahaha.

Tuny: [Nakisabat na naman, as usual] Hay naku Tess! You know what, Leon loves this so much, he bought the VHS, VCD, the DVD and saw the sine of this.


Ulk... Tumahimik na lang, walang nakapansin....


She's Eva Sheng Yi Huang, an actress in China and Stephen Chow's
leading lady.. Sigh...

Labels: , ,

Wednesday, August 08, 2007

PR na ako!

Well... Not that PR(Permanent Resident).
Iba talaga ang pasok ng week na ito. The same day, Monday, after the good news ke kumander, eh timing na pagsara ko ng Gmail eh nag-appear sa likod ko ang boss kong Kiwi at... Hmmm, may hawak na Starbuko para sakin. At abot tenga ang ngiti. Katakot, I smell something fishy. Baka may ipapasa nanamang trabaho at i-istyle-an nanaman ako [Kzzkk... Beam me up, Scotty... Ackk.. Transporter... Destroyed... Must... Flee...].

Kiwi Boss: Heyyy Andrew, who's the good boyyyyy???
Tuny: [Andrew?? Saka na, long story...] Errr.... Me??

Abah, ako nga. Yun pala eh naglalabasan na ang mga press release na ginawa ko at dinispatcha para sa isang client namin, at lumabas sa dalawa sa pinakamalalaking dyaryo dito sa NZ!


Sunday Star Times



Wahu! Aba naman, feeling ko talaga parang Public Relations professional na ako dito sa Middle Earth. Nagkalakas loob tuloy akong ipagkalat na ang link na ito, hehehe.

Feeling ko eh, I'm....






Nagpapasalamat ako sa aking pamilya, fans(you know who you are), mga dating amo, sponsors at supporters ko, lalo na sayo (turo sa taas, chest pump)... Kung wala kayo, eh wala din ako (tee-heee...)

Labels: ,

Tuesday, August 07, 2007

Ah, sulit ang hirap..

As usual, pagdating sa office, bago ko pa harapin ang ga-bundok na trabaho na dapat tapusin, open muna ako ng Gmail. Regular routine ito, dahil pagdating ni amo, nakuuuu... Iba talaga ito sa iniwan kong trabaho sa Pinas. Kung doon nakakapetix pa ako, eh dito para akong naghahabol ng oras palagi para lang maisingit ang mga dapat tapusin.


Nagemail nga pala si kumander, with good news. Really good news.


Pre school ni Julia, at Chinese school. Yari tayo dyan, buti na lang at
Grand Lolo nya eh Fil-Chi din (Naku sana gumaling sya s Math, di tulad ni Mami & Dadi)

Hay, sarap. Pag ganitong ba namang mga balita ang matanggap mo, feeling mo kahit anong ibato nila, eh para akong pader na di matinag. Di lang sulit lahat ng pagod at sakripisyo, kundi lumalakas pa ang loob kasi napupunasan ng tuwa ang ang lungkot at homesickness na nararamdaman. Aba naman, 65K daw ang tuition sabi ni Kumander, at saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera sa Pinas!

Ika nga, pag may anak ka na, wala nang mas importante pa sa mundong ito kundi maibigay lang ang lahat na para sa kanila.

Dahil dyan, kelangan magcelebrate at makapag-prito na nga ng lumpia (and that's another story, abangan sa susunod, harhar).


Playing in my MP now:

So glad weve almost made it
So sad they had to fade it
Everybody wants to rule the world


Labels: , ,

Sunday, August 05, 2007

Kiwinoy Big Brother: Genuine Pinoy Task

Episode 1

9AM. Habang nagaalmusal ang mga flatmates at nanunuod ng TV...


Big Brother: Flatmates, announcement!
Karl: Huh?
Gene: Si Big Brother!
Val: Zzzzzz.... snork! [puyat gumawa kasi ng school project]
Tuny: What the fu@*! [asa banyo kasi]
Big Brother: Makinig kayong lahat. Ngayon at matagal-tagal na kayo sa Middle Earth at sa bahay ko, ang task nyo ay makagawa ng isang gawain na truly Pinoy.
Tuny: [pasigaw from the CR] Hmmm! Ano kaya yun!?! Magsasarswela!?! Gagawa ng Philippine flag!?!
Gene: Baka magtutumbang preso, or sasayaw ng tinikling...
Val: Di pwede, di kasya kawayan dito. Baka sasayaw ng maglalatik. Yari tayo maninigas tayo sa lamig....
Big Brother: Mali. mas Pinoy pa dyan ang gagawin nyo. Gagawa kayo ng lumpiang shanghai, and it will involve skill, para maghanap ng recipe online. It will take patience, magtadtad ng ingredients. And ingenuity, kasi siguradong di kumpleto recipe dito. At cooperation, kasi isa lang ang kutsilyo nyo. So goodluck house mates... Sweetazz...

Magtatagumpay kaya ang flatmates sa task nila? Abangan...

Wala lang, nakita ko lang online (Photog: Oh, sayaw lang ha.. freeze![click!])

#47 Sun Appartments, along Wakefield St., location of the Kiwinoy Big Brother House. View from SkyTower (more pics soon)


Why wait for the flatmates recipe, baka malason pa kayo. Click here for Sassy Lawyer's Lumpiang Shanghai recipe.

Labels: , ,

Sent!

Nung Friday sa opisina, nagpadala ako ng email sa client ko, para ipaalam sa kanya na naipadala ko na yung press release na ginawa ko para sa lodge nya:


Ewan ko ba, at biglang napako ang mata ko sa salitang Sent! Aba naman at ang nagregister sa utak ko eh, pag binaligtad mo ang exclamation point, it would read Senti.

Yes. Tinamaan ako bigla ng homesickness. Malamig kasi at naalala ko ang mga masasarap gawin pag malamig sa Pinas, like kumain ng goto pagkatapos ng simbang gabi, magkulong at magbasa ng songhits kasi umuulan at di makapag-basketball, o matulog ulit pagkatapos maligo kasi signal #3. Pati na rin ang walang ka-kwenta-kwentang pagsabit sa jeep ng madaling araw ay nalala ko, with the wind on your hair, at mapadaan sa mabahong creek sa Recto. Ah, ka-miss...

Na-miss ko rin ang mga iniwan ko sa Pinas, like mga magulang, kapatid, kamaganak, barakada, mga tropa sa bundok(ang sarap umakyat pag umuulan!), mga dating
opismaytes.

Pero ang hinahanap-hanap ko ngayong eh si kumander, ang twins, at si Julia. Naalala ko tuloy si
Dong, at hinanap ko agad ang lyrics nya:


Senti

Inaliw kita, tawa ka nga nang tawa eh
Sinabi mo, wag kitang iwan, ayaw mong mag-isa
O.K. lang sa akin, abutin man ng umaga
Lahat ay gagawin para ka lang mapasaya.
Ako, mahal kita
Mahal na mahal
Natatandaan mo, ang saya-saya natin ano

Sa zoo.


I can't wait for Christmas at makauwi. 137 days to go.








Labels: , ,

Wednesday, August 01, 2007

Filipino English: Bukas!

10AM sa office, while having Tea (naks) and checking my personal emails, biglang lumapit Australiano kong officemate, si Kate:

Kate: Hey Eyn-thony! Do you know what dey is todey???

Tuny: Huh? [Processingggg... ano daw? Ah!] Oh yeah! It's Wednesday!

Kate: Yeah! Time goes so fast when you're busy, eh?

Tuny: Zow True! Can you believe it, it's Thursday na bukas!

Kate: Huh?


Kasi naman eh, binibigla ako...


Kate sa background: May sayad din




Labels: , , ,