The Boxer (Atbp.)
Nagluto ako ng adobo para dinner namin, at nakaamoy ang asawang pinay ng building manager namin, si Aloha. Kinatok kami at sa flat daw namin kakain.
"Sure! Pero manlibre ka naman ng coke!" uto ko.
"Ah, oo ba" sabay abot nya ng $10 dollars. Syempre dinakma ko agad sabay takbo sa labas ng building, papunta sa dairy(Kiwi for sar-sari store).
Ladidadida... Pili kung diet coke, coke zero, regular coke... Silip sa mga meatloaf at corned beef kung me maibabaon bukas.... Nang mapansin ko na iba ang tingin sakin ng Chinese na tindera sa counter. Parang natatawa na inde makatingin ng diretso.



Pagkabayad napa-karimpas ako ng takbo pabalik ng flat. Sa Pilipinas nga lang pala acceptable gawing outerwear ang boxer shorts, hehehe.
Actually, ganito talaga hitsura ko kanina noh.
***************
I-update ko nga pala kayo sa mga pinag-gagawa ko recently.
Went back to that Korean Karaoke along Queen St., ang brought Pinoy reinforcements. That's Val, Kiwinoy BBrother na nag voluntary exit, with her lovely GF Kristy (Karl ala sa pic pero andun din sya, tuwang tuwa sa strobe lights sa and tamborine, hehehe).
Cooked baked tahong to celebrate the arrival of our new flatmate, Netzie. Sweet-azz Tahong photo by Karl.

That's Netzie in white. Ang sosyal noh, naka-wine glass pa kami (ang laman nyan eh coke, hehehe). Gene inuupakan ang tahong (dyan ka magaling! Hehehehe), and with her back to the camera is Anna, taga 2nd floor, nakikikain (salamat sa salad!).

Borrowed from another pinoy in the building Ang Cute Ng Ina Mo. Grabe pag napapalayo ka sa Pilipinas, hahanap hanapin mo talaga ang Pinoy humour. Pati kay Aiai natatawa na ako, at pag nagbubukas ako ng TV parang gusto ko ilipat sa Wowowiee.
Labels: Driving On the Left Side of the Road, Pinoy nga naman


3 Comments:
At 12:04 AM,
Kiwipinay said…
huwaw! nakakatakam naman yang baked tahong! pengeeeee!!!
penge ding kopya nyang kay aiai! anim na taon na akong walang napapanood na pinoy films. waaaaaaa!!!!
At 8:32 PM,
tinybubbles said…
HAHAHAHAHAHAHA. you meannasay lumabas ka ng naka boxers? ayos, parang bumili ng mantika sa suking tindahan!
at least, consistent ka. naalala mo ba nung nakipag-dinner ka sa'min ni lez na naka net-inspired tank top?
umamin ka.
At 9:57 PM,
Tuny said…
@kiwipinay:
Neighborhood! Manuod ka ng concert ni Ray-Ann Fuentes bukas??? Dadala ako tahong hehehehe.Naku nasoli ko na yung Ai-ai, indemand kasi. Hiramin ko uli at iburn sa CD.
@tinybubbles:
Malay ko va. Feeling ko kasi puruntong suot ko hehehehehe. I'm sure hindi maburo sa isip nyo yung eksenang yun sa Greenbelt (in a good way)
Post a Comment
Links to this post:
Create a Link
<< Home