Website Ribbon Tuny's Fishbowl: Chinese English: Weshisdatoyle!

Tuny's Fishbowl

My fishbowl's getting smaller! (ask me why! Yahu!)

Wednesday, February 13, 2008

Chinese English: Weshisdatoyle!

Habang nagbabantay sa pintuan ng ASB Theatre working the immigrant's Spring festival, me matandang lumabas ng pinto at lumapit sakin:
Old woman: 廁所在哪裡?

Tuny: Eng??

Hayy, eto nanaman tayo, dahil ba Asian ako eh i-assume bang marunong akong mag-chinese??? Gusto ko sana sabihin ang alam ko lang eh Wo ai ni (I love you) kaso baka bigla naman ako sagutin, yari tayo dyan. Wala pa namang kasamang bata. Kadalasan kasi yung mga apo't anak nilang 5-6 years ang translators nila, dito na kasi nagschooling.

Old woman: (lumapit sa mukha ko at dahan-dahang...) Cèsuǒ zài nǎliiiiii?

Tuny: Ha??? (Ewww.. ang bango hininga) I'm sorry I don't speak Chinese...

Old woman: Weshisdatoyle... (Naiinis na, at parang napapa-jogging ng konti)

Tuny: Esmyuskee???

Old woman: WEH.. SHISDAHH... TOYLETTTTT!!!

Tuny: Ahhh, whaydidntyasaysoh... There oh! (sabay turo)





At papano ba naman kasi ito nakarating dito sa New Zealand, eh inde marunong mag-english?? Eh yung ibang kabayan natin maski magaling, nahihirapan pa rin dahil sa IELTS.

Uy inde ako anti-Chinese ha, infact eh 1/4 blood dahil kay Lolo Pedro +. Inenroll nga ni Pam si Julia sa Chinese school at minsan suspetsa namin kumakanta ng Chinese pag inde namin maintindihan (ayos, pag andito na si Julia isasama ko sa trabaho para silang mga bata na lang magusap, hehehehe).

Labels: , ,

4 Comments:

  • At 7:55 PM, Anonymous Anonymous said…

    ...may isang convenience store sa may K road malapit sa grafton bridge na chinese ang may ari...pag naho-homesick ka doon ka lang pumunta at sigurado pawi ang kalungkutan mo.....

     
  • At 10:34 PM, Blogger Tuny said…

    @Anonymous

    Hi! Ano meron dun sa tindahan? Me tinda Pinoy chichirya? Dun ako nag-sho-shopping minsan sa grocery sa KRoad pero Thai yata me ari nun right?

     
  • At 12:14 AM, Anonymous Anonymous said…

    ..iba yata yong thai store...yong sinasabi ko ay yong malapit sa corner ng Kroad at Symonds street...chippy lang and chez curls ang nabili namin noon....ang alam kung maraming pinoy chichirya ay sa isang chinese grocery store kaya lang malayo d'yan sa auckland CBD..doon yon sa west city....'di lang chichirya...mga ready mix na pangsangkap pati mga sardinas meron sila...pati datu puting suka meron...

     
  • At 8:51 PM, Blogger Tuny said…

    @Anonymous
    Ay dun nga! Puro Thai kasi yung mga nasa check-out kaya akala ko Thai me ari(sawadeee-kaa, sawadee krappp, hehe...). Ala nga lang LuckMe pancit canton (sa New Market ako nakabili nun, yummmm).

     

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home