Website Ribbon Tuny's Fishbowl: June 2008

Tuny's Fishbowl

My fishbowl's getting smaller! (ask me why! Yahu!)

Wednesday, June 11, 2008

Legendary

I had a boss in a previous job in Manila that I absolutely hated working with. It wasn't just me: The GM hated him, the VPs hated him, security hated him, even maintenance and housekeeping hated him. And with his reputation preceededing him, technically EVERYONE in the company hated him.

But he didn't give a damn. He just did his job everyday, and kept on annoying everyone up to this day. He even claims that he sleeps like a baby at night.

Despite this, he's also one of the very few people I admire as a mentor, only because of a thread of wisdom he shared that I still hold dearly to this day.

"Whatever happens, whoever happens, even if the whole world connives or discriminates against you, or says `you're wrong' or `you suck', be comforted that from now on you will always, always have someone to take your side of the fight-- Your wife and family. Congratulations!"

He told me this during my wedding day. Best gift ever (and to think I almost didn't invite him ;)).
****

It's been over a week since naglabasan ang aking mga pesteng bulutong sa wang-kata, at halos magkabali-baligtad ang plano ko last few days. Yung kasama ko sanang susundo kila Pam sa airport eh hindi mangyayari, mahirap na kasing makahawa at me baby sya or maka-cause ng problema.

Naku po, disedido na nga akong mag airport bus at sugurin ang lamig, basta ang importante eh masundo sila at mauwi ng maayos. Bahala na ang bulutong, at bahala nang halos magdiliryo ako sa lagnat at sa sakit ng katawan. Bahala na ring pagtignan ako ng mga tao sa kalsada na parang me ketong (naku po, Lord sorry sa mga iwas-tingin kong kilos sa mga me ketong na nakakasalubong ko dati, eto pala ang nararamdaman nila).

Friday, a day before padating sila Pam, nakasalubong ko si Aloha. Si Aloha eh Pinay na asawa ng landlord namin, na paminsan-minsan ko lang makausap tuwing nagbabayad ng rent. Tinanong ako kung may susundo na raw sa magina ko (nag-aalok din kasi sya dati, at since hindi kami close, nahiya ako't sinabi kong meron na). Nagsinungaling ulit ako at sinabi kong Oo. Aba naman, nagpilit na kung pwedeng sumama daw sya. Kinulit ako ng kinulit, till nasabi ko tuloy ang totoong sitwasyon.

Aba, hindi pumayag na ako lang ang susundo sa mag-ina ko. Dadating daw sya bukas ng umaga dala ang kotse nya, may carseat, at sasamahan ako sa airport, bulutong or no bulutong.

My gulay, Aloha, nakaka-touch! Meron pa palang mga taong busilak ang puso, na susugurin ang kapahamakan at ibubuwis ang kanilang makinis na kutis para lang makatulong ng ibang tao.

Ika nga ng mga Kiwi, you're a legend!

Labels: ,

Friday, June 06, 2008

The sad irony of it all...

... is dadating si Pam & Julia bukas, pero ni hindi ko man lang sila mayayakap or mahahagkan. Ni indi ko mararamdaman ang init na papawi sa lamig na bumabalot sa Auckland (na ang forecast sa Sunday is 3 degrees--aguuu!).

Oh baket.... Bakettt........




BAKET AKO NAGKABULUTONG KUNG KELAN SILA DADATINGGGG....




###

Ready na pala lahat (I think) para sa pagdating nila bukas. Medyo maliit lang ang temporary home namin. Correction: maliit talaga sya. Ni hindi ko alam kung san ilalagay ng mga gamit na dadating by freight.

Pero OK lang kasi mura sya at $220 a week(thanks Aloha), including water and electricity, fully furnished, and the view is to die for.



Para kaming nakatira sa Makati (yey).

###

Niregaluhan ako ni Pam ng gift voucher para spa treatment, and since ang sakitt-sakittt nga katawan ko, nagdecide ako mag-pamasahe (Before ko ito nalaman na me tom-boluts ako, kawawa naman si Paula the masseuse. Sinasabi nya siguro ngayon "Nilalagnat akowww (in english of course)" and after 3 days "Who the f$%k! Am covered with spots!". Inde muna ako dadaan sa Newmarket ng isang buwan, hehe.

First time ko magpa-masahe sa mga Kiwi, at feeling ko alta-de-syudad ako kasi puti ang nagmamasahe. Ang treatment ko is Aromastone massage. Bato lang na panghilod na mainit, pero syet, ang sarapppp....

At inde lang yan, first time ko ring humarap sa tao na ang tanging suot ko lang eh isang disposable t-back.

Syet, buti na lang me natirang blue(lahat ng nasa box kasi eh pink na). Nakaka-ilang pala, para kang fino-floss ka sa pwet, hehehe.

Labels: , ,