Website Ribbon Tuny's Fishbowl

Tuny's Fishbowl

My fishbowl's getting smaller! (ask me why! Yahu!)

Saturday, February 16, 2008

Isang Linggong Pagibig

Pansin ko lang na last few weeks, eh medyo napapasarap yata ang luto namin dito sa Kiwinoy Big Brother House.

Like nung Monday...

Tossed baby salad greens, topped with cherry tomatoes, flaked tuna and olive oil...


Tuesday...
Oven baked New Zealand mussels, topped with butter, garlic and parmessan cheese...


Wednesday...
Fruit salad, made with fresh cut watermelon, pineapple, mango, mixed light sugar syrup..


Thursday...
Deep-fried fresh caught snapper, topped with red and green capsicum, carrots, onion and garlic...




And Friday...






NYEAHHHHHH!!! Anu yan???

Photos by Karl.


Hehe.. Galing sa beach ang nasa kabilang flat at namitas ng talaba. Syempre nilabas namin ang legs namin sa pinto at nagpapansin, hehehehe. Pinakuluan ko then binuksan ni Gene at Netzie. Nilagyan ko ng konting suka, sili, onion, brown sugar at madaming ginger. Yumm...

Kantahan muna tayo mga kapatid:



Labels: , ,

Saturday, August 18, 2007

Kiwinoy Big Brother: Genuine Pinoy Task (2)

Episode 2
At eto na nga po at mukhang na challenge ang flatmates sa kanilang genuine pinoy task. Magwagi kaya ang mga mokong? Ang sumusunod ay mga eksena ng mga nakalipas na araw sa Kiwinoy Big Brother House.

Syempre po kelangan me sound track


Val & Karl, making balot the lumpia ...

... habang dini-dictate ni Gene ang susunod na steps (and at th same time, chatting
with his gurlz, sweet-azz...)

Pak-tay tayo dyan, kinamay na po! Mej maliliit yata ang nabili nilang lumpia wrapper, hmm...

Since dalawa lang ang kasya sa kitchen sa Kiwinoy Big Brother House,
lumabas muna ang dalawang para magpahangin... at nag-
pose(infront of the appartment,
Sky Tower on the background)...


... At nag pose pa. Aba at nakarating pa sa Motorway??? (St. Benedict's Church on the
background, where the flatmates go to mass).

Aba, mukha nagmumukhang lumpia, pero lasang lumpia din kaya?


What the.. me pancit canton pa (out of nowhere!!)




At habang kumakain ang flatmates ng kanilang first ever home made lumpia (Karl: Whooww, sarap! Who needs women! Men rule!Uh-uh-uh-uh!!!)...


Big Brother: Flatmates, announcement...
Tuny: What the fu&%?? Tang-nang bahay na to, bigla-bigla na lang nagsasalita...
Big Brother: Ikinalulungkot ko, you guys failed in your task, I'm sorry...
Gene: Huh? But Big Brother, that's unfair!
Karl: Woahhhh, that's not cool.. (mannerism po nya yan, 8X na nya sinabi today, which is cool, hehehe)
Val: Snorkk... (tulog, kasi puyat na, napagod pa sa kababalot ng lumpia)


Big Brother: Totoo, masarap ang niluto nyo, at nagtulungan kayo, which is important kasi sino pa bang aasahan nyo dito sa Middle Earth?
Imagine, hindi kayo magkakakilala 7 months ago, pero here you are, forced to bond by need, yet I feel friendship growing... Uyyy, mga bakla! (Hanep din 'tong Big Brother na 'to ah..ed.)...

Ngunit, subalit, datapwat, bagamat, there's one problem. Ang task nyo kasi ay magluto ng Lumpiang Shanghai at hindi...



... Tempura.


Nyek, kasi naman, sino ba kasi nagsabing wanton wrapper ang gamitin nyo??



Bayan Ni Juan/Mike Hanopol

Bayanihan dito sa bayan ni Juan
Isang daing mo lamang, ikaw ay tutulungan
Bayan ni Juan, uso ang bayanihan
Lahat sila'y kasali
Dyan mo mapupuri


Labels: , ,

Sunday, August 05, 2007

Kiwinoy Big Brother: Genuine Pinoy Task

Episode 1

9AM. Habang nagaalmusal ang mga flatmates at nanunuod ng TV...


Big Brother: Flatmates, announcement!
Karl: Huh?
Gene: Si Big Brother!
Val: Zzzzzz.... snork! [puyat gumawa kasi ng school project]
Tuny: What the fu@*! [asa banyo kasi]
Big Brother: Makinig kayong lahat. Ngayon at matagal-tagal na kayo sa Middle Earth at sa bahay ko, ang task nyo ay makagawa ng isang gawain na truly Pinoy.
Tuny: [pasigaw from the CR] Hmmm! Ano kaya yun!?! Magsasarswela!?! Gagawa ng Philippine flag!?!
Gene: Baka magtutumbang preso, or sasayaw ng tinikling...
Val: Di pwede, di kasya kawayan dito. Baka sasayaw ng maglalatik. Yari tayo maninigas tayo sa lamig....
Big Brother: Mali. mas Pinoy pa dyan ang gagawin nyo. Gagawa kayo ng lumpiang shanghai, and it will involve skill, para maghanap ng recipe online. It will take patience, magtadtad ng ingredients. And ingenuity, kasi siguradong di kumpleto recipe dito. At cooperation, kasi isa lang ang kutsilyo nyo. So goodluck house mates... Sweetazz...

Magtatagumpay kaya ang flatmates sa task nila? Abangan...

Wala lang, nakita ko lang online (Photog: Oh, sayaw lang ha.. freeze![click!])

#47 Sun Appartments, along Wakefield St., location of the Kiwinoy Big Brother House. View from SkyTower (more pics soon)


Why wait for the flatmates recipe, baka malason pa kayo. Click here for Sassy Lawyer's Lumpiang Shanghai recipe.

Labels: , ,

Friday, July 27, 2007

Kiwinoy Big Brother: Goodbye Edmund

Tatlo lang ang rules namin dito sa flat:

#1 Makisama

#2 Wag makulit

#3 Wag ipasok ang sapatos sa sala




Mahirap ba sundin ito? Well apparently sa ibang tao, Oo. That's why we had to say goodbye to one of our flatmates last week, si Edmund. Ika nga sa PBB, evicted sya ni kuya for too many violations. Malungkot, pero ano magagawa namin? Mahirap na nga mabuhay sa dayuhang bansa, eh nahihirapan pa namin sya makasundo.

So kung nakikinig ka ngayon, nothing personal, bro, gusto ka namin matulungan, but it wasn't working out. Sana maging masaya ka sa bago mong bahay, at sana makasundo mo ang mga bago mong housemates na balita mo sa amin ay mga Chinese (Buti na lang at inde Hapon, kundi baka na-samurai ka sa kapapasok ng sapatos mo sa sala nila, hehe).


In the meantime, nakahanap naman kami ng bagong housemate.


Si Karl.


Eto pala ang iba pang cast ng Kiwinoy Big Brother.


Si Gene





Si Val


Pasensya na ha, tabingi kasi TV namin sa flat kaya tabingi din mga leeg nila. We're also known as Da' Gwapings in cyberspace... Look at our network, hehehehe.





X marks the spot. Ang appartment namin.

Labels: ,

Sunday, July 22, 2007

Filipino English: The Toktok

Hindi mo talaga maiwasan, maski gaano ka man kagaling mag-english, misan talaga papalpak ka. Hindi kasi natin 1st language eh, at minsan sa sobra nila bilis magsalita, nakakataranta. At ang accent, syet, parang panggalatok na hinaluan ng bisaya kasi ang titigas ng dila(like ang E ginagawang I, so ang seven, sa kanila zi-ven).

Buti na lang kadalasan yung mga kausap namin dito inde naiintindihan mga English boo-boos natin. Case in point, meet Edmund, flatmate ko (dati).


Edmund: Yoshi, go here. When you get to the door, just.. You know... Tok-tok

Translation: Yoshi(his Japanese friend) punta ka naman dito. At pagdating mo sa pinto namin, kumatok ka na lang.


Nyahehehe.

More to come.


Kamukha ni Edmund(Joke, hehe)

What's playing on my Media Player now. Hay, umuulan nanaman, sarap matulog,
pero me pasok pa ako mamya sa
Edge.

Labels: , , ,

Tuesday, June 05, 2007

The day I met Eddie Peregrina in NZ

Walang pasok today, Queens b-day(ya-hu!). So after our long trip sa Rotorua, I decided to sleep late and gumising ako ng 9am, nagluto, kumain, then lumabas kami ni Gene after lunch para magpagupit.

Ang tagal ko na pala hindi nagpapagupit, 3 months. Imagine mo kung ano na hitsura ko 5 hours ago, ang haba na ng hair, I wonder kung ano iniisip ng mga sosyal kong officemates(Maybe he's half Korean??).

Well today I decided enough is enough, papagupit na ako. Isa itong right of passage para sa mga pinoy na dumadating dito sa New Zealand. Getting a haircut is like your first drive sa wrong.. este left side of the road, first self service gas pump, or first bayad using eftpos (hindi uso nagdadala ng marami money dito, everyone pays via credit or postpaid ATMs). Ang hirap sa first hairtcut ay mahal sya, as in ang pinaka-mura kong nakita ay $10 (P33=$1). That's a freaking P500++ haircut.

Well, kung bago ka talaga sa New Zealand or any other country, di talaga maiwasang mag-convert, lalo na kung wala ka pang work at ginagastos ay ipon mo sa pinas. Well, like sabi ng ibang mga pinoy na nauna na dito, once na kumikita ka na ng NZ dollar, stop converting kasi talagang di kakayanin ng powers mo at magkakaroon ka ng buhok na mukhang mop na tulad ko. Its just over a month ago na sinabi ko sa sarili ko na ang $10 ay isang oras ko lang na suweldo sa Edge. After that, I'm cured of my peso converting obsession.

Ang una naming pinuntahan ni Gene ay ang barber shop sa baba ng Wakefield. Its the street where our flat is located and at the corner is Queen St., na main street dito sa Auckland. Para ba syang Times Square, nga lang, inde sya square (eng??).

Pinaka-mura na barbershop na yon sa city, pero problem is, yung barbero ay isang 6-footer na Iranina(ata). Ang unang pumasok sa isip ko ay para syang construction worker na kaya akong buhatin gamit t-shirt ko at baliin ako sa dalawa. At ang kapal ng buhok nya sa dibdib at braso. Inde ko tuloy maisip hitsura ng kili-kili nya (yak). We decided against having our hair cut there although mas mura. Maybe its his chest hair, then again maybe its the fear of going back to work tomorrow at mag-sigawan ang mga officemates ko dahil parang gupit ng isang PMA cadet ang mangyari sa ulo ko.

Pumunta kami next sa ni-recommend ni Lenny na Korean na salon. Katabi sya ng McDonalds at, well, mahal sya, $32 at medyo... bading ang parlor. Puro sya korean characters at pictures at posters ng mga babae na naka-pose. Hmmm, hindi yata kaya ng manhood ko maski highly recommended sya ng mga tropa.

So naglakad lakad kami pa sa Queens hanggang pumasok kami sa isang alley, at doon namin sya nakita. Si Eddy Pergrina. Well actually sya si Te-hiro, koreano na "stylist" na naka-70's get-up complete with floral euro-extra-fit na long sleeves, tight pants, at hat na nakapatong sa makapal nyang buhok. Yung hair nya pala parang yung sila Tirso Cruz dati nung sikat pa sila ni Nora. Lumapit kami at nag-inquire. Well, okay na, $20 at at least hindi sya mukhang boy bakal.

The outcome? Well I must say its well worth it. Ang gupit ay kamukha ng cut na tinuro ko sa magazine except the face. Shi-nampoo pa ako at nilagyan ng wax(Boys, hindi na nga uso ang wax, ika nga ni Te-hiro "Shyir, that's es-is zoooo 80s syer").

Maybe hindi ulit ako magpapagupit ng 3 months, at susubukan ko naman ang uso sa Japan at Korea na F4 look.








Or maybe even an afro like this.






Presenting.. Eddie Peregrina, my stylist!

Labels: ,